#image_title

GMA, binigyan ang It’s Showtime ng 3 months para ipataob ang Eat Bulaga?

Posted on

Usap-usapan sa social media ang naging contract signing ng ABS-CBN network at GMA 7 noong March 20, 2024, simula april 6 ay mapapanood na ang It’s Showtime sa kapuso network main channel.

Sa pagpasok ng longest running noontime show na It’s Showtime sa GMA 7, mas magiging matindi umano ang salpukan ng It’s Showtime at Eat Bulaga sa TV5.

Mainit rin na pinag-usapan ng mga netizens na mas nagtitiwala pa umano ang GMA 7 sa mga Kapamilya stars kaysa sa sarili nilang mga talents.

Parang lumalabas na inamin na rin ng GMA bosses na mas magaling ang mga hosts ng ABS-CBN kaysa sa mga hosts ng Kapuso network.

Maraming usap-usapan rin diumano ang nagsi-labasan sa social media tungkol sa binigay na tatlong buwan na palugit ng GMA 7 sa It’s Showtime upang angasan ang ratings ng Eat Bulaga sa TV5.

Nakasulat pa umano sa kontrata na pinirmahan ng ABS-CBN executives ang tungkol sa tatlong buwan na palugit ng It’s Showtime, ngunit hindi naman kumpirmado sa kontrata na tatanggalin ng GMA 7 ang It’s Showtime kung sakaling hindi nito matatalo sa ratings ang Eat Bulaga ng TVJ.

Humiling pa diumano si Vice ganda na dagdagan sana ng GMA 7 ang ilang buwan na palugit sa it’s Showtime dahil napaka-ikli lang diumano ng tatlong buwan.

Sa inilabas na balita ng Bandera, ito rin daw umano ang dahilan kung bakit nasambit ni Vice Ganda sa contract signing ng ABS-CBN at GMA 7 ang salitang “Nakaka-pressure!”.

Samantala, maraming netizens ang hindi natuwa sa ginawang hakbang ng GMA network para matalo lamang ang Eat Bulaga ng TV5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *