#image_title

Jake Zyrus, nagalit dahil pilit binubuhay si Charice Pempengco

Posted on

Jake Zyrus, nagalit dahil pilit binubuhay si Charice Pempengco

Hindi maiwasan na mairita ni Jake Zyrus sa mga taong pilit na binubuhay ang dati niyang katauhan na si Charice Pempengco.

Mukhang ang inis ni Jake ay nag-ugat matapos siyang ikumpara sa singer na si Morissette Amon.

Kung matatandaan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang naging performance ni Morissette at performance naman noon ni Charice sa concert ng Canadian musician na si David Foster.

Nagsimula ang pagkukumpara ng netizens matapos sabihin ng kanyang inang si Raquel Pempengco na walang maaaring pumalit kay Charice pagdating sa pagkanta.

Kasalukuyang nasa US si Jake pero umabot pa rin sa kanya ang mga isyu at binasag nga niya ang kanyang katahimikan hinggil dito.

Sa isang online game livestream, binweltahan niya ang mga taong gustong buhayin si Charice.

Aniya, “Anong gusto ninyong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano? Scientifically, wala, e. It’s impossible because I’m already taking, like, hormones because that’s who I am. So, anong, like, the f*ck*ng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!”

Dagdag pa niya, “So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own f*ck*ng time!”

Dismayado naman si Jake sa pagkukumpara sa dating siya sa mga mahusay na singer ngayon.

Iginiit niya na ang pagkukumpara ng netizens sa kanyang dating sarili sa ibang mga mang-aawit ay hindi lamang kawalang-galang sa kanya kundi pati na rin sa mga mang-aawit kung saan kinukumpara siya.

Aniya, “And to actually compare the old me to some of the greatest singers out there, hindi lang disrespectful sa akin yon! Disrespectful din sa kanila yon!”

Samantala, sa ngayon ay wala pang reaksyon si Raquel sa sinabi ni Jake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *